Monday, June 21, 2010

Ang mundo... bow...

Ang mundo *bow*

Ang mundo ay bilog, pero hindi siya bilog,
Spherical blah blah blah, nag-isip nun ay kalog.

Maganda daw ito. Pero hindi daw naman,
Sabi ng alien na kagabi ay dumaan.

Sabi nila, mas maayos daw ang planeta nila,
May mga punong nagyoyosi, at dagat na pula.

Ang mga ibon daw dun, di nakalilipad at matigas,
Kasi ang mga balahibo, feather duster na, nalagas.

Ang mukha nung alien, ay para ding tao,
Mukhang tao? Di mo ma-gets, sige ganito...

Ang ilong niya ay matangos, pero yung dun sa isa,
Ay hindi, dahil pango, pero may butas pa ring dalawa.

Ang bibig nila ay maingay, parang mga gago
Bumubulong ng walang humpay, at nagtsi-tsismisan, oo.

Meron slang tengang malaki, na nakaririnig ng mabuti,
Tapos ang mga ngipin nila, ay bungi, masarap daw ang kendi.

Kung tungkol sa'n ang tulang to, ay di ko alam,
Ang naiisip ko lang, ay ang sikmura kong, muli ay kumakalam.

Ang mundo *bow*

No comments:

Post a Comment