Si Pepito ay isang batang paslit. Iniwan siya ng kanyang nanay sa kanyang tatay, nang siya ay sanggol pa lamanag. Pero kahit na ganon, masaya pa rin silang nabuhay ng kanyang ama. Kahit na sila ay kinakapos. Nang tumungtong si Pepito ng pitong taong gulang, pinangakuan siya ng kanyang ama na bibilhan siya nito ng gusto niyang bisikleta. Ibibili daw siya nito kapag naging mataas ang nakuha niyang marka para sa taong iyon. Ngunit habang siya ay naglalakad sa eskintang papunta sa bahay nila pagkagaling niya sa eskwela, biglang niyang nakita ang kanyang ama na nakahandusay sa basang lupa, kauulan lang. Nanlumo ang kaawa-awang si Pepito sa kanyang nakita, gusto niyang sumigaw ng tulong, pero di na humihinga ang kanyang ama. Puro dugo na din ang kinabulagtaan nitong lupa. Umiyak ng umiyak si Pepito...
Pagkalipas ng walong taon... Si Pepito ay namamasukan bilang isang hardinero sa mayamang negosyante sa lugar nila. Hindi na nagawang makapag-aral ni Pepito at hanggang unang baytang lang ang natapos niya. Doon pa rin siya nakatira sa bahay nila ng kanyang yumaon ama. Sa tuwing dumadaan si Pepito sa eskinita kung saan namatay ang kanyang mahal na ama, bumabalik sa isip niya ang pangyayaring iyon, at paulit-ulit siyang nagtatanong kung bakit...
Linggo noon nang pumasok si Pepito sa kanyang trabaho upang ayusin ang hardin ng kanyang amo. Nagtaka si Pepito kung bakit tahimik, inisip na lang niya na baka may pinuntahan ang lahat ng nakatira doon.
Nakarinig si Pepito ng isang malakas na putok ng baril. Nagulat siya. Biglang kumirot ang kanyang dibdib at humandusay siya sa lupa.
Wala na si Pepito...
Bakit binaril si Pepito?
ReplyDeleteHindi ko alam, hindi ko siya natanong...
ReplyDelete