Wednesday, September 1, 2010

But it's time for me to let you go even if I love you still...

Wala na ngang masasabing kahit ano.

Everything, every chance was all gone, too long ago.

Hindi na mababawi ang kahit ano. Wala na. Nasayang na lahat.

Life is full of regrets.

There's no bringing back what I've lost, time can't just go pass by me again.

Dito na lang ako, papangarapin ang mga dapat sana'y nangyari...

Dahil wala na lahat ng yon...

Wala na...

All gone...

Friday, July 23, 2010

Nakapako Na Naman

Dito lang ako, tatayo. Maghihintay sa'yo. Tatambay sa kanto. Manglilimos ng pag-ibig mo. Di kita malimutan, mahal na mahal pa rin kita. Kaya nandito ako't nakatunganga, sa isang sulok ng mundo. Di ako gagalaw, hanggang matagpuan mo ako.

Hinding hindi ako aalis. Kahit na umulan o bumagyo. Magtatanong kahit kanino. Malaman mo lang na nandito ako. Naghihintay sa kanto. Kung saan tayo unang nagkabungguan at nagkakilala, at hinding hindi ako aalis.

Wala kong pakialam sa sasabihin nila. Pagkat hinihintay kita. Habangbuhay kitang hihintayin. Dahil malay mo isang araw sa iyong paggising, maisip mong kailangan mo rin ako. Hanapin mo ako. Kaya dito lang ako, maghihintay sa'yo. Kung saan tayo unang nagkita. Kung saan inibig ng isang 'ikaw' ang isang 'ako'.

Wednesday, July 21, 2010

I was sure you weren't there

Para kang itim na mukha ng laruang nasa aking harapan
May mga pindutang may simbolong walang laman
Kapag binuksan ay tutunog, magsasalita at magkakabuhay
Maguumpisang mag-ingay at bibingihin ang kawalan
Ilang oras siyang tatakbo sa ganyang estado
Pero mamamatay, dahil sira ang charger ng PSP ko...

Saturday, July 17, 2010

There's tons of gravel
All above the sand
Makes it hard to breathe
Please hold my hand
I'm buried beneath
This non-existing love of yours
Leaving everything behind
I'm falling a hundred floors

Friday, July 16, 2010

Heartbroken twice.
Minahal kita ng sobrang tagal
Ngunit di ko man lang nasabi sa'yo.
Minahal mo din daw ako
Ngunit may mahal ka na ngang bago.

Tuesday, July 13, 2010

Bagyo sa langit...

Parang baliw paikot-ikot

Nakakahilo, di makahinto.

Maginaw, nakakapamaluktot

Kailangan ko ng yakap mo...

Monday, July 12, 2010

Wag kang mawawala

Sa kalangitan nakatulala
Na may pighating pilit ipinupuslit
Mula sa ugat ng pusong biyak
Nahati sa kalahati dulot ng sakit
Na nagmumula sa di ko alam kung saan
Wala na kong mapupuntahan
Wag kang mawawala sa lugar na aking kinawalaan
Wala akong suot na salamin
Bulag ako ngayon
Bulag ako araw-araw sa iyong kagandahan...