Monday, June 21, 2010

Nakatulala...

Mainit na kape sa aking sikmurang kumakalam. Nagtutulakan ang mga naiisip ko sa loob ng aking utak. May utak din pala ako kahit papaano. Napakalamig sa aking kinatatayuan. Hindi pala. Sobrang init, nanglalagkit ang aking balat. Sumasabog ang dugong dumadaloy sa aking mga ugat, niyayanig ang aking pulso. Gusto nilang kumawala. Gusto nilang matikman ang sarap ng simoy ng hangin na nasa aking paligid. Ang hanging kulang na lang ay maging lason, para siya na mismo ang pumatay sa akin...

No comments:

Post a Comment