Ayun, naalala ko kagabe ang sagot sa tanong ng kaklase ko, "bakit di mo siya niligawan?".
Ang sagot ko lang kasi dati ay, "wala lang..." dahil di ko talaga maalala kung bakit, marahil pinili lang ng utak kong kalimutan.
Habang nagba-browse ako ng mga alaala sa aking isip kagabi, naalala ko yung love letter na binigay ko sa kanya. Oo, love letter, korni noh? Gumawa kasi ako ng love letter, pero kinuha ko lang sa deviantart yung sulat, at ni-rephrase ko lang dahil babae ang orihinal na gumawa. Yung envelope na pinaglagyan ko nun, ako lang gumawa, tapos may mga clippings pa ng drawing kong roses na pula, tapos kasama ng letter ay isang tula. Ang pamagat ng tula "Your wanna be lover"...
Pano ko binigay sa kanya? Simple lang, style na bulok, ipit sa libro. Pero sa akin sa magasin ng myx ko isiningit. Hiniram ko kasi, mga 3 oras muna naming pinagkakanta ng mga katabi ko yung mga nakalagay dun na kanta bago ko isinauli at patagong inilagay ang love letter kong walang kwenta duon sa gitna.
Uwian na, walanghiya hawak ng isa ko pang kaklase yung magasin! Kinabahan ako dun! Baka kumalat yun sa buong klase, magtago ako sa Mars. Sabi ko na lang sa isip ko "bahala na...".
After 3 days...
(Masyado akong mahilig sa paragraph/talata, ang dami... haha)
Ayun, binigay sa akin nung seatmate niya yung love letter. Bumalik sa akin. Nakabalot yun sa pinambalot ko din sa drawing na hiningi niya dati. Kaya nakarating pa yung love letter ko sa bahay niya. Bakit bumalik? Ang akala ko may reply, wala naman, so ayun. I feel really rejected. Kaya di ko na nga siya niligawan. Pero later naman nalaman ko din na naiwan lang pala niya yun kaya kinuha ng seatmate niya.
Tinago ko na lang yung love letter sa bag ko for one or two weeks ata. Tapos, nung isang beses, habang naghihintay kami ng oras ng pasok at nakatambay lang kami dun sa pwesto namin. Siya lagi kong kasama dun tuwing 5am (kahit 6am pa pipila para pumasok). Bigla na lang nawala sa bag ko yung love letter, may tumawag kasi sa akin kaya umalis ako saglit, alam kong sya kumuha nun. Sana siya. :D
Ewan ko kung bakit di ko naalala to, at kagabi lang bumalik yan sa utak ko.
(isa na namang walang kwentang post galing sa akin... wala pa namang nagbabasa eh.. haha :D )
No comments:
Post a Comment