Ayan may blogger/blogspot na ako, baguhan pa ko dito at hindi ko pa alam ang pasikut-sikot at kung paano mag-edit ng kung anu-ano. Medyo nahihirapan pa kong mag-ayos ng layout at di pa din gaanong marunong gumamit ng paraan ng pag-post.
Aalamin ko na lang muna bago pa ako ulit mag-post ng iba sa blog na ito.
Bakit 'mahaltalagakita' ang url ko? Wala lang, kasi mahal ko lang siya talaga kahit na di rin naman niya ako mahal dahil di ko naman tinangkang ipadama sa kanya, sinubukan ko ngunit palpak, di umayon ang mga pangyayari sa aking plano. Malas nga ako.
'Pag-ibig mula sa malayo' ang korni ng title ng blog ko. Wala lang din. Kasi nandito ako, ang layo niya, at kahit na napakalapit pa niya at minsan ay nagkakasalubong lang kami sa corridor sa school, ang layo pa rin niya. Di ko din siya makausap, kahit pa nga matingnan. Anong tawag sa akin? Mahina.
Gaya ng sabi ko, di ako marunong mag-blog. Basta naisip ko lang na gumawa ng blog. At gagawin kong malungkot ang blog na ito...
Kasalukuyan akong active sa tumblr at ewan ko ba kung bakit puro tagalog ang pinaglalagay ko dito. Marahil trip ko lang. I-follow ako sa tumblr: http://imthelonedreamer.tumblr.com
No comments:
Post a Comment