Wednesday, May 12, 2010

Ano ba yan…

Kakabasa ko lang ng malungkot na post (malungkot siya para sa akin) tapos nagtype pa ako ng malungkot na post. Ang tugtog sa tenga ko Miserable at Best, which describes me. Gusto nang lumuha ng aking mga mata, pinipigilan ko lang. Ayaw kong umiyak, nagugutom ako, mas gugustuhin kong kumain kesa ang umiyak.

Wala pa din akong post na matino, ayaw ko nang mabuhay, pero ayaw ko ding mamatay. Ang hirap mag-aral. Kung tinatamad akong mag-aral pano ako magiging kung ano ang magiging ako sa hinaharap. Ayoko sa tagalog.

And this will be the first time in a week
That I’ll talk to you
And I can’t speak
It’s been three whole days since I’ve had sleep
Cause I dream of his lips on your cheek
And I got the point that I should leave you alone
But we both know that I’m not that strong
And I miss the lips that made me fly

Kung ire-rephrase ang lyrics na yan para umayon sa akin:

And this will be another time in this year
That I can’t talk to you
But I wan’t to speak
It’s been one long year since we have talked
Cause I’m just stupid and weak
And I got the point that I should leave you alone
But we both know that I’m not that strong
I wish for your lips to make me fly

Ampanget ko mag-rephrase. Masakit na likod ko, kanina pa ako dito nakaupo. Pero wala pa ang sakit ng likod na nararamdaman ko ngayon sa sakit na dulot ng pag-ibig na tumagal na ng abot sa dalawang taon. Tang***! Akala ko ba hanggang isa’t kalahating taon lang ang love sabi ng mga scientist. Mali pala sila eh. Palagi naman silang mali. Lahat naman sila mali. Lahat naman tayo mali. Love lasts forever. Kung gugustuhin mo. Kung pareho kayong hindi bibitaw. Sa kaso ko, ni wala pang isa sa amin ang humahawak. Pero hindi pa rin ako makabitaw.

Ganto pala mag-blog ang mga baliw at weird na katulad ko.

Sino gusto ng layouts?

Kung ipapakita sa gif ang nararamdaman ko, eto yun:

Hindi yan yung gagamitin ko, tao yun na umiiyak, eh ayaw naman gumalaw! kaya binago ko.

At eto naman ang mukha mo habang nagbabasa, kung nagbasa ka nga:

At eto naman ang mukha ng nasa likuran mong nakabasa ng post ko, kung walang tao sa likuran mo, matakot ka na:

At eto naman ang estado ng puso ko:

Ayaw matapos ang loading sa puso ko…

At eto naman ang aking utak:

Parang bulang lumilipad ang utak ko sa oras na ito…

Meron pa hindi pa tapos!

Eto naman ang isip ng kaibigan mo:

At eto ang dapat mong gawin!

Paalam malupit na mundo!

No comments:

Post a Comment