Dito lang ako, tatayo. Maghihintay sa'yo. Tatambay sa kanto. Manglilimos ng pag-ibig mo. Di kita malimutan, mahal na mahal pa rin kita. Kaya nandito ako't nakatunganga, sa isang sulok ng mundo. Di ako gagalaw, hanggang matagpuan mo ako.
Hinding hindi ako aalis. Kahit na umulan o bumagyo. Magtatanong kahit kanino. Malaman mo lang na nandito ako. Naghihintay sa kanto. Kung saan tayo unang nagkabungguan at nagkakilala, at hinding hindi ako aalis.
Wala kong pakialam sa sasabihin nila. Pagkat hinihintay kita. Habangbuhay kitang hihintayin. Dahil malay mo isang araw sa iyong paggising, maisip mong kailangan mo rin ako. Hanapin mo ako. Kaya dito lang ako, maghihintay sa'yo. Kung saan tayo unang nagkita. Kung saan inibig ng isang 'ikaw' ang isang 'ako'.
nakakarelate ako much.. may katulad din pla ako na walang ginawa kundi magtype lang ng magtype ng walang kwentang saloobin. :>
ReplyDeleteMay nagababasa pala ng page ko kahit papano. :) Salamat
Delete