Thursday, June 24, 2010

Naglalakad sa kalawakan...

Ang mga mata'y pumipikit ng kusa na parang may blackhole na nakalagay sa gitna...
Hinihigop papasok ang mga talukap pati ang aking paninging nanlalabo na sa kakatingin sa liwanag na galing sa araw na maraming lumalabas na kung anu-anong bagay...
Sumasakit na ang ulo ko sa araw-araw na walang tulog dahil walang gabi dito sa kinalalagyan ko sa kawalan...
Nagpapalutang-lutang parang lobong nawala nang biglang mabitiwan...
Unti na lang at puputok na rin ako dahil sa kawalan ng pressure dito...
Ayan na...
Sumasabog na ang puso ko na parang mga bagang sumisiklab mula sa araw...
Nababasag ang bungo sa bawat paghampas ko sa mga lumulutang na mga bato na tulad ko'y naliligaw sa dilim ng kawalan...
Ayaw lumubog ng araw sa kinalalagyan namin, pero di kami nasisikatan nito...
Para kong kometang paikot-ikot lamang, parang isang desusing laruan na walang magawa kundi sundin ng paulit-ulit ang nagagawa ng mekanismong nasa looban...
Para na lang akong isang batong nagpapalutang-lutang, walang pupuntahan...
Isa lang ang alam ko... at nais kong sabihin...
Inaantok na ako...

No comments:

Post a Comment