Saturday, January 2, 2016


Iniibig Kita Basta ganun na yun, huwag mo nang itanong pa kung bakit
Gusto kita, higit sa kun anong maibibigay ng mundo
Iniibig ka kahit na hindi ba kita nakakausap
Kahit na hanggang titig na lang ako sa'yo sa maghapong nakaupo sa silya mo sa kabilang panig ng kwartong ito
Alam mo yun? Siguro hindi, malamang hindi nga.
Gusto kong maging mantikang tulog sa loob ng garapon na puso mo
Yung mahihirapan kang alisin, yung mabubuwisit ka
Gusto kitang kulitin
Gusto ko maasar ka sa akin
Baka sakaling sa ganong paraan, mapansin mo din ako
Sumagi din ako sa isip mo
O baka, baka lang naman, tumambay din ako dyan
Gaya ng pagtambay mo sa puso ko
Sa maghapon, sa magdamag
Sa bawat araw na dumadaan, ikaw na yata ang pumupuno dito
Madami na akong utang sa'yo, andaming araw na kinumpleto mo
Gusto ko din sanang bayaran yun
Baka sabihin mo di ako marunong tumanaw ng utang na loob
Sabihin mo lang, bubuuin ko din yang araw mo Basta ganun na nga yun, huwag ka na ding makulit
Hindi ko sasagutin kahit ilang beses ka pang magtanong
Gusto talaga kita, at walang papalit sa'yo kahit pa buong mundo
Ikaw kasi yung mundo ko
Ibig kang kausapin para maipadama ang laman ng puso sa'yo
Hindi yung buong araw ka na lang tititigan at hanggang dun na lang
Nakaupo sa silyang malayo sa kinauupuan mo
Nahuhumaling sa ngiti mong sana lumapit naman
Kahit minsan lang
Alam mo yun? Siguro alam mo na nga
Masyado na yata akong halata
Pero pinili mong huwag pansinin, ipagwalangbahala
Gusto kong makulong sa puso mong magiging hawla ng pag-ibig ko
Yung mahihirapan akong makatakas, yung habambuhay na akong bihag ng pagmamahal mo
Gusto kong ibigin mo din ako
Gusto kitang hagkan
Gusto ko mahulog ka din sa akin
Sa kahit anong paraan man lang ba, mapansin mo din ako
Sumagi din ako sa puso mo
O di kaya, sana lang, dyan na ko manatili
Sa maghapon ng lahat ng magdamag
Sa bawat araw na darating, na sabay nating pupunuin
Madami na akong naisulat dito, andaming katangahan na di makukumpleto
Gusto ko sanang matupad pero
Baka sabihin mo lang, nahihibang na yata ako.

More from @deveereitimes
Gusto kitang makamtan ngunit nagnanais na ring sumuko. Hindi maisaplano ang minimithing katuparan. Hindi na rin minsan makita ang maaaring bunga ng kahapong sinumpaan.
Paano nga bang pupunuin ng pagmamahal at pag-aarugang nararapat sa'yo gayon gusto ko na ring mapuno sa mga kahibangan at mga sandaling unti-unti nang nauupos yung pag-ibig na iniaalay ko. Hindi ko na madama yung pag-iibigang nakasulat sa pahina ng mga tagpo natin. Hindi ko na makapa yung palad na sumasalo sa bawat pagkakataong nalulugmok na lang ako sa kawalan at sa kawalan ng pag-alalay.
Gusto kitang kunin, yapusin at ikulong sa loob ng mga bisig ko ngunit gusto ko ring palayain ka, pakawalan, ibalik sa maaaring mas ikasisiya mo. Paano nga ba kung napakasalungat na ng damdamin at pag-iisip. Wala nang konkretong desisyon, emosyon. Walang nang maayos na diskusyon sapagkat lahat ay nauuwi na lamang sa pagtatalong walang nananalo, walang pagtatapos kahit tuluyan nang mapaos sa kasisigaw ng mga nais ipahayag ng damdaming pagod na din sa pakikipaglaban.
Tatayo na lang ba sa pagitan ng kahapon at ng bukas na tila walang oras na lilipas at maaaksaya. Hahayaan ma lang dumaloy at kalimutan tayo ng kahapon at di na bigyang importansya yung kahilingan ng bawat isa. Kahilingang walang linaw, walang kasiguraduhan. Manalo man o matalo, parang walang pinagkaiba. Kung mawawala ka, kung bibitiw ka, kung lalayo ka; kung kakapit pa tayo sa isa’t isa, kung mananatili at magyayabong pa rin ang pag-ibig na ito, kung mananalig tayo at tuluyang magtitiwala sa pangakong binitiwan, na kahit pa pangit na lang ang lahat ay mananatiling dalisay ang pagtitinginan at pag-iibigan; walang may alam. Walang nakasulat. Walang makakahula. Malalaman na lang nating kung gusto kitang mawala sa akin, o gusto mo akong mawala sa iyo; o di kaya'y gusto mo pa rin akong mahalin, at gusto kong gano'n din ako.

I love you na, hindi dahil hindi pa kita minamahal. Hindi dahil ngayon ko lang napagtanto na minamahal kita. I love you na, kahit na mahal na talaga kita noon pa. Kahit na mahal na mahal na mahal na mahal na talaga kita. I love you na, ang ibig kong sabihin, eto na yun. Mahal na kita, nang pangmatagalan, nang panghabambuhay, panghabangbuhay. Sigurado ako dyan, kahit mahina ako sa spelling minsan. I love you na, sa panghabangpanahon, kahit pa sabihin nila na wala naman talagang forever at isa lamang iyong konsepto na di naman talaga nag-eexist sa totoong buhay. Pero oo, korni na kung korni, cheesy na masyado, baduy, waley, ano pa man ang sabihin nila isa lang naman din ang sasabihin ko ‘I love you na’. I love you na, hindi na matatapos. I love you pa, pangakong hindi tayo darating sa oras na kapos ng pagmamahal. May di man pagkakaintindihan o di pagkakaunawaan ay mananatili ang mga salitang paulit-ulit kong binibigkas, sinasabi, sinisigaw ng puso kong tuliro at nakatitig lamang sa’yo kahit wala siyang mga mata, ikaw lang ang papakinggan nya kahit wala siyang tenga, yung tibok nya ang magmimistulang salitang maririnig mong nagsasabi, paulit-ulit at parang sirang plaka. I love you na. Mahal na kita. Ikaw na. Ikaw na lang lagi. Ikaw lang naman talaga. Hindi to linya ni Popoy. Linya ko to. Ikaw lang naman talaga ang nilalaman ng puso ko. Ako rin naman yung nilalaman ng puso mo di ba? Sabi mo yun. Ano ba ko sa’yo? Dugo? Hindi betamax. Kundi dugong dumadaloy sa sistema mo, na pumupuno sa puso mo. Ganoon ka din sa akin, ikaw ang dahilan kung bakit ako nabubuhay at kung bakit tumitibok ang puso ko. I love you na. Hanggang sa wakas ng kathang ito. At pinapangako, hindi ito kathang isip, dahil may kumontra man sa forever na tinatawag, hindi ito hoax sa pagitan nating dalawa, hindi ito myth, hindi imahinasyon, totoo ito. Totoo na talaga. Kahit late na ko sa trabaho patuloy pa rin ako sa pagkumpas ng mga letra kasi gusto ko lang naman malaman mo, na sa kabila ng mahabang pahayag sa sulat na ito, ang gusto ko lang naman talaga sabihin ay ‘I love you na forever’.

Friday, October 26, 2012

Wednesday, September 1, 2010

But it's time for me to let you go even if I love you still...

Wala na ngang masasabing kahit ano.

Everything, every chance was all gone, too long ago.

Hindi na mababawi ang kahit ano. Wala na. Nasayang na lahat.

Life is full of regrets.

There's no bringing back what I've lost, time can't just go pass by me again.

Dito na lang ako, papangarapin ang mga dapat sana'y nangyari...

Dahil wala na lahat ng yon...

Wala na...

All gone...

Friday, July 23, 2010

Nakapako Na Naman

Dito lang ako, tatayo. Maghihintay sa'yo. Tatambay sa kanto. Manglilimos ng pag-ibig mo. Di kita malimutan, mahal na mahal pa rin kita. Kaya nandito ako't nakatunganga, sa isang sulok ng mundo. Di ako gagalaw, hanggang matagpuan mo ako.

Hinding hindi ako aalis. Kahit na umulan o bumagyo. Magtatanong kahit kanino. Malaman mo lang na nandito ako. Naghihintay sa kanto. Kung saan tayo unang nagkabungguan at nagkakilala, at hinding hindi ako aalis.

Wala kong pakialam sa sasabihin nila. Pagkat hinihintay kita. Habangbuhay kitang hihintayin. Dahil malay mo isang araw sa iyong paggising, maisip mong kailangan mo rin ako. Hanapin mo ako. Kaya dito lang ako, maghihintay sa'yo. Kung saan tayo unang nagkita. Kung saan inibig ng isang 'ikaw' ang isang 'ako'.

Wednesday, July 21, 2010

I was sure you weren't there

Para kang itim na mukha ng laruang nasa aking harapan
May mga pindutang may simbolong walang laman
Kapag binuksan ay tutunog, magsasalita at magkakabuhay
Maguumpisang mag-ingay at bibingihin ang kawalan
Ilang oras siyang tatakbo sa ganyang estado
Pero mamamatay, dahil sira ang charger ng PSP ko...